DOJ at Gobyernong Arroyo: Tagatangkilik ng Rapists!

Ayon sa mga direktang may kinalaman sa kaso sa Olongapo City (Unang Hirit, 9/18/05), ang Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) ay nakipag-ugnayan sa kanila at sinabing may pakikipag-usap na sa Estados Unidos kaugnay ng custody ng 6 na Amerikanong akusado sa panggagahasa ng 22-taong gulang na Pilipina.

Tama lamang na singilin ang dalawang ahensya sa pagpapabaya nila na mapunta sa EU ang sinasabing custody. Dahilan upang hindi rin maaresto at ma-inquest ang mga maysala. Sa umpisa pa lamang ay amin nang tinatanong kung bakit hindi kinuwestiyon ang kagyat na pagkuha ng EU sa mga sundalo, samantalang ang Visiting Forces Agreement (VFA) ay nagsasaad na ang custody ay dapat mapunta sa bansang may hurisdiksyon sa kaso (ang Pilipinas ito), at ibibigay lamang ito kung may pakiusap ang EU. Kung sakali mang nakiusap ang EU, hindi ba’t dapat itong tinanggihan ng ating pamahalaan dahil ang panggagahasa ay isa sa mga tinatawag nating kahindikhindik na krimen? Dapat singilin ang dalawang ahensya at pamahalaang Arroyo kung bakit hindi nila tinanggihan at hindi nila ipinagtapat sa sambayanang Pilipino ang nasabing request kung mayroon man.

Bukod pa rito, hanggang sa maganap ang pagdinig sa Senado, walang komunikasyon ang DFA sa Embahada ng EU para kuning muli ang mga sundalo, samantalang ito ay pinahihintulutan ng VFA. Hindi namin maunawaan ang pagpapatumpik-tumpik ng ating pamahalaan na kunin ang custody, bagamat malinaw sa atin na sila mismo ang nag-akda sa kasunduan. Maaaring mangmang sila sa sariling kasunduan o nagpapaka-mangmang!

Ang pinuno ng DOJ ay patuloy ding nagmamaang-maangan at nagsabi pa na kailangang sumulat sa loob ng 10 araw sa EU para makuha ang hurisdiksyon. Hindi ito totoo, dahil ang VFA mismo ay nagsasaad na Pilipinas ang talagang may pangunahing karapatan sa pangangasiwa sa kaso. Ang kinailangan nilang ginawa ay sumulat para kunin ang custody. Samantalang malinaw din sa kasunduan na matapos ang isang taon ay wala nang responsibilidad ang EU sa pagpapalitaw sa mga akusado, paano na tayo matapos ang itinakdang panahon? Lalong pinalala ni Sec. Raul Gonzales ang kalagayan, hindi lamang sa pag-uutos na ipasa ang mga sundalo sa EU, kundi sa pagtanggi sa pakiusap ng mga abogado ng biktima na ilipat ang preliminary investigation sa Maynila.

Kasuka-suka ang ating pamahalaan, na mas naging umid sa pakikipaglaban sa munting espasyo ng Pilipinas sa VFA. Kasuka-suka ang ating pamahalaan na maagang isinuko ang ating soberanya bilang bansa sa pagpirma ng kasunduang ito, at ngayon ay patuloy na tinatalikuran ang ating mga kababayan.

Inuusig namin ang DFA, DOJ at ang Pangulong Arroyo na pilit isinaisantabi ang malaking suliraning ito ng paggahasa sa ating kabaro at kababayan. Kung inaakala nilang kami ay mananahimik, nagkakamali sila. Kami ay nagmamasid sa kanilang aksyon ayon sa kanilang pinirmahan. Tangan namin ang batas laban sa panggagahasa na aming ipinaglaban, at ang karapatan ng kababaihan at sambayanan!

Gonzales at Gobyernong Arroyo: Tagatangkilik ng Rapists! VFA, Ibasura; Gonzales at Arroyo, Alis dyan! Gonzales at Arroyo, Makauulaw kamo!

Signatories:

Akbayan, Alliance of Progressive Labor (APL), Bagong Kamalayan, BATIS-Aware
Buklod ng Kababaihan – Olongapo City, Coalition Against Trafficking in Women – Asia Pacific (CATW-AP), Kaisa Ka, Lawig Bubai
Saligan, Samaritana, Sanlakas, Sarilaya, Sinag-Kababaihan, Talikala, WELGA, WomanHealth, Women’s Crisis Center (WCC)
Women’s Legal Education, Advocacy and Defense (WomenLEAD) , Women Step In, Gloria Step Out!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s